Mahigit 20,000 driver ng PUV nakatanggap na ng tulong sa ilalim ng SAP

By Erwin Aguilon April 22, 2020 - 04:46 PM

Umakyat na sa mahigit 20,000 driver ng Public Utility Vehicle ang nakatanggap ng tulong mula sa pamahalaan.

Ayon sa Department of Transportation, kabuuang 20,164 PUV drivers ang nakatanggap na ng cash assistance mula nang magsimula ang pamamahagi noong Abril 7 hanggang Abril 21.

Ang pagbibigay ng ayuda ay alinsunod sa Social Amelioration Program (SAP) ng gobyerno sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), katuwang ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at Land Bank of the Philippines (LBP).

Sa pamamagitan ng LBP, naipamamahagi ang ayuda sa mga tsuper ng PUV na hindi nakababiyahe dahil sa ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine dulot ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Sabi ng DOTr, upang malaman kung kasali sa listahan ng mga bibigyan ng cash assistance, mangyari lamang na tignan sa : https://tinyurl.com/SAPforDRIVERS

Para naman sa PUV drivers na pasok sa listahan, kailangang alamin ang requirements sa pagkuha ng ayuda sa pinakamalapit na branch ng Landbank o sa https://bit.ly/2XgvYgS

Muling pinayuhan ng LTFRB ang PUV drivers na sundin ang Physical Distancing Guidelines habang kinukuha ang ayuda.

TAGS: cash assistance, dotr, enhanced community quarantine, PUV drivers, social amelioration program, cash assistance, dotr, enhanced community quarantine, PUV drivers, social amelioration program

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.