Karagdagang leave credit para sa mga tatamaan ng COVID-19 na kawani ng gobyerno iminungkahi

Iminumungkahi ni GSIS Chair Rolly Macasaet na bigyan na lamang ng dagdag na 30-day leave credit ang mga empleyado ng gobyerno sakaling tamaan ng COVID-19 at maubos ang sick leave.

Sa virtual hearing ng House Defeat COVID-19 Committee Economic Cluster, sinabi ni Macasaet na ito ang kanyang nakikitang win-win solution para sa pamahalaan at empleyado.

Base kasi sa isinusulong na Philippine Economic Recovery Act o PERA act ng mga mambabatas, nais nilang maglaan ng P1 bilyong pondo para sa sosobrang sick leave ng mga government employees na magkakasakit o tatamaan ng COVID-19.

Pero ayon kay Macasaet, mas maigi na i-convert na lamang ito bilang leave credit upang hindi na rin maglabas ng pondo ang pamahalaan at kung sakali ay sa private sector na lamang ang paglaanan ng pondo.

Read more...