Ilang lalawigan sa Luzon, uulanin ngayong hapon
Makakaranas ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon.
Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 2:15, Miyerkules ng hapon (April 22), iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin.
Partikular na mararamdaman ang nasabing lagay ng panahon sa Laguna, Batangas, Zambales at Pampanga.
Sinabi ng PAGASA na iiral ang lagay ng panahon sa susunod na dalawang oras.
Inabisuhan naman ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.