LOOK: Libreng mass testing sa Makati, sinimulan na

By Angellic Jordan April 22, 2020 - 03:00 PM

Sinimulan na ang libreng COVID-19 mass testing sa Makati City, araw ng Miyerkules (April 22).

Ayon kay Mayor Abby Binay, unang sumailalim sa mass testing ang front liners mula sa Ospital ng Makati, Pembo Health Center at Rizal Health Center.

Target aniya ng Makati Health Department na makapagsagawa ng pagsusuri ng mahigit 60 front liners sa unang araw nito para matiyak na ligtas ang mga ito.

Sinabi ng alkalde na dadalhin ng MHD ang specimen sa Philippine Red Cross National Headquarters.

Kasama rin aniya sa mass testing sa buwan ng Abril ang mild PUMs at PUIs na nasa mahigit 2,000.

Muli namang pinaalalahanan ang mga residente sa lungsod na manatili sa bahay para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

TAGS: COVID-19 mass testing in Makati, Makati Health Department, Mayor Abby Binay, ospital ng makati, Pembo Health Center, Rizal Health Center, COVID-19 mass testing in Makati, Makati Health Department, Mayor Abby Binay, ospital ng makati, Pembo Health Center, Rizal Health Center

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.