BREAKING: Sunud-sunod na may kalakasang volcanic earthquake naitala ng Phivolcs sa Batangas
Sunud-sunod na may kalakasang pagyanig ang naitala sa lalawigan ng Batangas.
Ayon sa Phivolcs volcanic ang origin ng mga pagyanig o dahil sa aktibidad ng bulkan.
Narito ang magkakasunod na lindol na naitala sa mga bayan sa Batangas:
10:31AM Magnitude 3.2 – Bauan, Batangas
10:36AM Magnitude 4.2 – Mabini, Batangas
10:54AM Magnitude 3.2 – Mabini, Batangas
11:06AM Magnitude 4.5 – Mabini, Batangas
11:19AM Magnitude 4.6 – Mabini, Batangas
11:22AM Magnitude 3.8 – Mabini, Batangas
11:49AM Magnitude 3.3 – Mabini, Batangas
11:51AM Magnitude 4.0 – Mabini, Batangas
Sa nasabing mga pagyanig ay may naitatalang intensties na nasa pagitan ng Intensty 1 hanggang III.
Naramdaman din ang mga pagyanig sa iba pang bayan sa Batangas gaya ng Agoncillo, Lemery, San Nicolas, Taal at Calatagan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.