Proseso ng pagpapautang dapat luwagan

By Erwin Aguilon April 22, 2020 - 11:44 AM

Pinagagawang simple ni Land Bank of the Philippines President Cecilia Borromeo ang proseso ng pagpapautang sa ilalim ng mga lending programs ng pamahalaan.

Sa virtual meeting ng House Defeat COVID-19 Committee, sinabi ni Borromeo na kailangang luwagan muna ang pamamaraan para sa regular loans ngayong nasa gitna ng krisis.

Hinimok din ni Borromeo ang mga regulatory entities na gawing madali ang proseso sa registration process at maaari aniyang maging katuwang dito ang LBP lalo na sa mga lending programs para sa mga micro, small and medium enterprises (MSMEs).

Maaari din aniyang i-tap ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang LBP para sa subsidy program ng mga manggagawa at iba pang financial support ng pamahalaan.

Makakatulong din aniya ang LBP para sa pangangalaga at pamamahagi ng special funds para sa loan ng Department of Agriculture (DA) sa mga benepisyaryong magsasaka.

TAGS: bank, covid pandemic, COVID-19, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, Landbank, loans, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, bank, covid pandemic, COVID-19, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, Landbank, loans, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.