PCSO tatanggap ng aplikasyon online para sa mga nais humingi ng medical assistance
Simula bukas, April 22 ay tatanggap na ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng online application para sa mga gustong humingi ng tulong.
Nagtalaga ng online access ang PCSO para sa National Capital Region (PCSO-NCR), upang tumugon sa medical assistance (confinement) at requests para sa chemotherapy, dialysis, hemophilia at post-transplant medicines.
Ito ay dahil ang mga humihingi ng tulong sa PCSO ay hindi nakapupunta ngayon sa kanilang tanggapan bunsod ng umiiral na enhanced community quarantine.
Para sa mga nais humingi ng tulong, maaring bisitahin ang website ng PCSO na www.pcso.gov.ph i-click ang E-Services at ang NCR Online Application.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.