WATCH: Iligan City National High School nagdaos ng online graduation rites

By Dona Dominguez-Cargullo April 22, 2020 - 11:25 AM

Dahil hindi pwedeng magkaroon ng seremonya para sa pagtatapos ng mga mag-aaral, online na graduation rites na lang ang idinaos sa Iligan City National High School.

Noong April 15, ipinagdiwang ng paaralan ang pagtatapos ng 855 Senior High School learners.

Ayon Department of Education (DepEd) base sa livefeed ng okasyon sa Facebook, ramdam ang graduation ceremony dahil nakaangkla rin ito sa normal na selebrasyon.

Gumamit ng mga file video ng aktibidad sa esklwehan para mabuo ang programa.

Pormal ding ipinakilala ang mga magsisipagtapos gamit ang kanilang mga larawan.

Maroon ding talumpati ng mag-aaral na nakatanggap ng mataas na parangal.
Mayroon ding guest speaker na nagbigay ng kaniyang video message.

Una nang sinabi ng DepEd na maaring idaos ang online graduation kung nanaisin ng mga paaralan at base sa pakikipagkasundo sa mga magulang.

Sa kasalukuyan kasing sitwasyon ay hindi pa talaga pwedeng magkaroon ng graduation.

 

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, enhanced community quarantine, Health, Iligan City National High School, Inquirer News, News in the Philippines, Online Graduation Rites, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, enhanced community quarantine, Health, Iligan City National High School, Inquirer News, News in the Philippines, Online Graduation Rites, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.