Hinimok ni House Committee on Games and Amusement Vice Chairperson at Ang Probinsyano Rep. Ronnie Ong ang Philippine Charity Sweepstakes Office na magbalik operasyon.
Ayon kay Ong, matapos mag-shut down ng kanilang operasyon ang PCSO, huminto rin ang pag-generate nito ng pondo na tumutulong sa pamahalaan upang tugunan ang pangangailangan tulad ng health crisis.
Bagama´t wala anyang magagawa ng PCSO, kundi inihto ang kanilang land based activity dahil sa panganib ng COVID-19 partikular ang Sweepstakes, Scratch-it at Small Town Lottery maari naman itong mag operate sa pamamagitan ng paglulunsad ng fraud free interactive mobile lottery games.
Ang nasabi anyang interactive at mobile lottery games ay maaring makalikom ng kailangang halaga ng gobyerno upang masuportahan ang relief efforts na ginagawa para sa mga lubhang apektado ng ipinapatupad na enhanced community quarantine.
Napapanahon anya ang interactive at mobile lottery games dahil nasa kanilang mga bahay lamang ang mga tao at sa halip na masayang lamang ang pera ng mga ito sa ibang online games upang labanan ang pagkabagot mas mainan na sumuporta ang mga ito sa online lottery ng PCSO.
“Interactive and mobile lottery games can actually be very timely at this time because of the ECQ. Many people are in their homes doing nothing. Instead of wasting money on some online games to fight boredom, they can actually support PCSO lotteries as their way of contributing in the war effort against this unseen enemy,” ani Ong.
Sabi ng kongresista, nasa P3.75 Billion kada buwan o P125 Million bawat araw ang nawawala sa PCSO simula nang humito ito ng operasyon dahil sa ECQ.
Iginiit pa nito na dahil sa pagkawala ng legal operation ng mga sugal pagkaskataon ito ng mga gumagawa ng iligal upang ipagpatuloy at palakasin ang kanilang mga kita.
Dagdag ni Ong, “Even if we can only generate half of the P3.75 Billion monthly revenue of the PCSO, we will be able to provide adequate relief of a lot of communities especially in areas which are on full lockdown. Let us be realistic about the ECQ. Most of the people take their chances outside their homes because they have no food to eat”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.