Kumakalat na kopya ng school calendar para sa SY 2020-2021 peke ayon sa DepEd

Peke ang kumakalat na kopya ng school calendar para sa School Year 2020-2021.

Ayon sa Department of Educationn, peke at hindi galing sa kagawaran ang larawan na nagsasaad ng school calendar.

Sinabi ng DepEd na magpapalabas sila ng opisyal na school calendar para sa SY 2020-2021 sa pamamagitan ng isang DepEd Memorandum na ibabahagi sa DepEd website at official DepEd Philippines Facebook page.

Hinimok ng DepEd ang lahat na maging responsable sa mga ibinabahagi sa social media.

Base sa ipinakakalat na pekeng school calendar na nakasaad na sa August 3, 2020 magbubukas ang klase at magtatapos sa April 2021.

 

 

 

Read more...