C-130 plane lulan ang COVID-19 equipment mula China nakabalik na ng bansa
Nakabalik na sa bansa ang C-130 Plane ng Philippine Air Force sakay ang laboratory equipment na binili ng Pilipinas sa China.
Nagtungo kahapon sa Shenzen, China ang C-130 para kuhanin ang COVID-19 equipment na ang halaga ay $2.5 million.
Alas 2:40 ng madaling araw nang lumapag sa Clark International Airport ang C-130 dala ang gamit mula China.
Ayon sa Department of Health (DOH) ang BGI COVID-19 equipment ay itatayo sa loob ng pito hanggang sampung araw.
Sa sandaling maging operational na ay kaya nitong makapagsagawa ng hanggang 45,000 na COVID-19 tests.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.