Nograles naiyak sa guesting niya sa ‘Wowowin’

Hindi napigilan ni Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles ang buhos ng kaniyang emosyon sa kaniyang guesting sa online show ni Willie Revillame na “Tutok To Win sa Wowowin”.

Naiyak si Nograles nang mapanood ang video na nagpapakita ng sakripisyo ng frontliners sa paglaban sa COVID-19.

Sinabi ni Nograles na napakahirap ng araw-araw na pinagdadaanan ng mga frontliner.

Binanggit din ni Nograles ang mga pulis na nagsasakripisyo pero may pagkakataong itinuturing pa silang kaaway.

Sa kaniyang social media account, humingi ng pasensya si Nograles dahil hindi niya napigilan ang emosyon.

“Nakakalungkot man ngunit magsisilbi itong inspirasyon sa amin sa pamahalaan na mas igihan pa ang aming trabaho upang malampasan natin ang pandemic na ito nang sama-sama at walang maiiwan. #WeHealAsOne,” ayon kay Nograles.

Read more...