Meralco nakapagtala ng 47 na brownout dahil sa pagpapalipad ng saranggola
Simula nang umpisahan ang pag-iral ng enhanced community quarantine ay nakapagtala ng 47 brownout cases ang Meralco nang dahil sa pagpapalipad ng saranggola.
Ayon sa Meralco, dahil sa nasabing mga brownout, mahigit 700,000 mga bahay ang naperwisyo dahil nawalan sila ng suplay ng kuryente.
Maliban dito, 13 ospital din ang naapektuhan ng brownout na matinding perwisyo lalo’t maraming mga pasyente ngayon sa mga pagamutan dahil sa COVID-19.
Ang mga brownout na naitala ay dahil sa saranggola na sumabit sa linya ng kuryente ng Meralco.
Paalala ng Meralco sa publiko iwasan ang pagpapalipad ng saranggola ngayong umiiral ang ECQ at sundin ang abiso ng pamahalaan na manatili sa loob ng bahay.
“Pinalipad. Sumabit. Nakapagdulot ng pahamak. Higit sa 700,000 households and 13 hospitals ang apektado sa 47 brownout cases dahil sa mga saranggolang sumabit sa mga Meralco powerlines during the #EnhancedCommunityQuarantine,” ayon sa abiso ng Meraclo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.