Bilang ng nasawi sa US dahil sa COVID-19 mahigit 45,000 na

Umabot na sa mahigit 45,000 ang bilang ng mga nasawi sa Estados Unidos dahil sa sakit na COVID-19.

Sa nakalipas na magdamag ay nakapagtala ang US ng mahigit 2,700 na nasawi dahil sa sakit.

Dahil dito, ang death toll sa US ay 45,318 na.

Sumampa naman na sa mahigit 818,000 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa US.

Sa nasabing bilang mayroong mahigit 82,900 na gumaling na at mayroon pang 690,500 na aktibong kaso.

 

 

 

 

Read more...