PNP sa publiko: Sumunod kayo o magsisisi kayo

By Dona Dominguez-Cargullo April 22, 2020 - 09:04 AM

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na pagsisisihan ng ECQ violators ang kanilang sasapitin kapag naaresto ng pulisya.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Lt. Gen. Guillermo ELeazar, pinuno ng Joint Task Force Shield kailangang sumunod ng publiko sa itinatakda ng enhanced community quarantine.

At kung hindi sila susunod ay tiyak na pagsisisihan nila ang kanilang sasapitin.

Una nang sinabi ng PNP na mas istrikto nang ipatutupad ang ECQ.

Aarestuhin ang mga lahat ng ECQ violators, ikukulong at kakasuhan ng paglabag sa Bayanihan to Heal As One Act.

Sinabi ni Eleazer na hindi dapat ipangamba ng publiko ang anunsyo ng PNP na mas mahigpit na pagpapairal ng ECQ.

Ang kailangan lamang aniya ay sumunod sa utos ang mga residente at huwag maging matigas ang ulo.

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, enhanced community quarantine, Gen. Eleazar, Health, Inquirer News, Joint Task Force COVID, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, enhanced community quarantine, Gen. Eleazar, Health, Inquirer News, Joint Task Force COVID, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.