2 patay, 42 pa naospital sa Maguindanao dahil sa diarrhea

By Dona Dominguez-Cargullo April 22, 2020 - 08:14 AM

Dalawa ang nasawi habang naospital ang 42 na iba pa matapos silang makaranas ng diarrhea sa Parang, Maguindanao.

Ayon kay Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Health Minister Saffrulah Dipatuan nagpadala na sila ng mga tauhan sa Bongo Island para alamin kung ano ang dahilan ng pagkakasakit ng mga tao.

Pinaiimbestigahan din ang pinagkukuhanan ng tubig ng mga apektadong residente.

Ayon kay Dipatuan sa ngayon hindi pa nila masasabing cholera outbreak ang nangyari.

Nabatid na open well ang ginagamit ng mga residente sa lugar para pagkuhanan ng tubig.

 

 

 

TAGS: BARMM, cholera, diarrhea, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, BARMM, cholera, diarrhea, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.