Ginang at bagong silang niyang sanggol positibo sa COVID-19 sa Cebu
By Dona Dominguez-Cargullo April 22, 2020 - 06:51 AM
Isang ina at bagong silang niyang sanggol ang kabilang sa 12 bagong kaso ng COVID-19 sa Cebu.
Ayon sa Department of Health (DOH) – Central Visayas, binabantayan ngayon sa isang ospital sa Cebu City ang mag-ina.
Unang nagpositibo sa COVID-19 ang ina bago pa siya manganak.
Nang isilang ang sanggol ay kinuhanan din ito ng swab samples at nagpositibo din ito sa sakit.
Mayroon nang 173 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Cebu City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.