Saint Bernard, Southern Leyte niyanig ng magnitude 4.6 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang bayan ng Saint Bernard sa lalawigan ng Southern Leyte.

Ang pagyanig ay naitala alas 5:43 ng umaga ngayong Miyerkules, April 22

Ayon sa Phivolcs, ang epicenter ng lindol ay sa layong 10 kilometers northwest ng Saint Bernard.

May lalim itong 3 kilometers at tectonic ang origin.

Naitala ang sumusunod na mga intensities bunsod ng malakas na pagyanig:
Intensity IV – Saint Bernard, Southern Leyte
Intensity III – Anahawan, Hinunangan, Hinundayan, San Juan and Sogod, Southern Leyte
Intensity II – Liloan, Southern Leyte

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala.

 

 

 

 

Read more...