Paglipat sa Bilibid sa 18 preso na COVID-19 positive ikinadismaya ni Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi

By Dona Dominguez-Cargullo April 22, 2020 - 05:44 AM

Dismayado si Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi sa ginawang pasya ng Bureau of Corrections (BuCor) na ilipat sa New Bilibid Prisons ang 18 bilanggo na mula sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong.

Ayon kay Fresnedi, ginawa ang paglilipat sa mga bilanggo nang hindi nakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan.

Tutol si Fresnedi na inilipat sa Muntinlupa ang mga presong positibo sa COVID-19.

Ang 18 preso mula sa Correctional ay dinala sa Medium Security ng Bilibid sa Muntinlupa.

Kahapon inanunsyo ng BuCor na nagpositibo sa COVID-19 ang 18 bilanggo na pawang nagkaroon ng exposure sa isang 72 anyos na bilanggo na unang nagpositibo sa sakit noong April 18.

Ayon kay BuCor spokesperosn Gabriele Chaclag, may itinalagang limang gusali sa loob ng medium security ng Bilibid para maging isolation areas sa mga preso na tatamaan ng COVID-19.

 

 

 

TAGS: correctional institution for women, covid positive, New Bilibid Prisons, PDLs, Persons Deprived of Liberties, correctional institution for women, covid positive, New Bilibid Prisons, PDLs, Persons Deprived of Liberties

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.