3 patay sa masaker sa Panamao, Sulu

By Jay Dones, Ruel Perez February 12, 2016 - 04:10 AM

 

crime-scene-e1400865926320Patay ang tatlong miyembro ng isang pamilya sa insidente ng pamamaril sa Sitio Buling-buling, Barangay Suh, Panamao, Sulu.

Sa ulat ng Panamao Sulu PNP, kinilala ang mga napatay na sina Laih Mamih, 50, Kiran Laih ,18 at Salmalin Laih, 15 anyos.

Sa inisyal na imbestigasyon, kumakain lamang ang mga biktima sa loob ng kanilang kubo nang pasukin ng walong armadong kalalakihan at agad na pinaulanan ang mga ito ng bala.

Bukod sa pamamaril, pinagtataga ng mga ito ang mga biktima. Sa follow up operation, naaresto ang tatlo sa mga suspek na sina Timmah Magindi, Rasmar Appal at Benar Jumar ng Sitio Wanni, Barangay Pansul, Patikul, Sulu.

Sinasabing personal na galit ang motibo ng pagpatay ng mga suspek sa mga biktima.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.