Barangay-based at drive-thru testing, sisimula ng Taguig LGU sa April 22
Ikakasa ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang barangay-based at drive-thru testing simula sa April 22.
Ito ay bahagi ng bagong inisyatibo ng Taguig LGU sa ilalim ng kanilang Systematic Mass Approach to Responsible Testing (SMART).
Ayon kay Mayor Lino Cayetano, maraming eksperto ang nagpatunay na epektibong paraan para mabawasan ang pagkalat ng COVID-19 ay ang pagdami ng isasagawang pagsusuri.
“Many experts have seen increased COVID-19 testing as an effective tool to decrease transmissions and more effectively treat those infected. We are heeding their suggestions,” pahayag nito.
Simula buwan ng Marso, nakapag-test na ang SMART ng halos 1,000 katao sa pamamagitan ng COVID-19 on-call service, kung saan kokolektahin ng mobile teams ng health workers ang swabs mula sa mga posibleng carrier ng COVID-19 sa kanilang bahay.
Sa pamamagitan ng barangay-based and drive-thru testing, inaasahang tataas ang bilang ng maisasagawang COVID-19 testing sa lungsod.
Samantala, pagdating sa on-call approach, magsasanay ang Taguig LGU ng ilang personnel sa 31 health centers at 3 “Super Health Centers” para makapagsagawa ng COVID-19 testing sa mga barangay kung saan sila nag-ooperate.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.