May quarantine man o wala, magbabalik ang regular na sesyon ng Kamara sa Mayo 4 matapos ang kanilang Holy Week break.
Ayon kay Speaker Alan Peter Cayetano, ito ang nakasaad sa Konstitusyon kaya kailangang sundin ng Senado at Kamara.
Sabi ni Cayetano, hinihintay na lamang nila ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang magiging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sakaling naka-quarantine pa rin ang buong Luzon pagsapit ng May 4, gagawing online ang sesyon ng mga kongresista.
Kumpiyansa naman si House Majority Leader Martin Romualdez na wala silang magiging problema sa paggamit ng electronic technology.
Tinukoy nito na noong nakaraang special session kung saan inaprubahan ang Bayanihan Heal As One Act ay halos 300 miyembro ng Kamara ang lumahok para gawin ang kanilang trabaho.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.