Mga guro sa private sector pinabibigyan ng tulong sa gobyerno

By Erwin Aguilon April 21, 2020 - 07:14 PM

Congress photo

Nanawagan si Assistant Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro sa Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) na bigyan ng tulong ang mga guro sa pribadong sektor.

Ayon kay Castro, may mga nakatanggap siyang mga reklamo na walang ayuda na inilaan ang pamahalaan para sa private school teachers sa kasagsagan ng enhanced community quarantine.

Marami aniyang mga pribadong guro ang contractual at no-work-no-pay na dapat ay mapasama sa social amelioration program (SAP) ng pamahalaan.

Hindi aniya kasama sa SAP ng DSWD ang mga public at private school teacher at marami rin sa mga private school ang hindi nakaabot sa deadline ng DOLE para sa P5,000 one-time assistance sa ilalim ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP).

Hindi rin ikinukunsidera na bahagi ng MSMEs ang mga pribadong paaralan kaya hindi rin ito maka-avail ng amelioration program.

Iginiit nito na hindi naman ligtas sa epekto ng COVID-19 ang mga pribadong guro kaya umaapela ito sa pamahalaan na mabigyan din ng financial assistance ang mga ito ngayong nasa ika-anim na Linggo ang ECQ.

TAGS: COVID-19, enhanced community quarantine, Rep. France Castro, COVID-19, enhanced community quarantine, Rep. France Castro

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.