BREAKING: Bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, sumampa na sa 6,599
Tumaas pa rin ang bilang ng positibo sa COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Martes ng hapon (April 21), 6,599 na ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa bansa.
140 ang panibagong napaulat na positibong kaso sa nakalipas na 24 oras.
Siyam na pasyente naman ang bagong naitalang nasawi kung kayat ang COVID-19 related deaths sa bansa ay 437 na.
Samantala, 41 na pasyente ang gumaling at naka-recover sa COVID-19.
Dahil dito, ang total recoveries ng COVID-19 sa bansa ay nasa 654 na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.