P10-M pabuya, ibibigay sa sinumang Pinoy na makakadiskubre ng bakuna vs COVID-19
Inanunsiyo ng Palasyo ng Malakanyang na may alok na pabuya si Pangulong Rodrigo Duterte sa sinumang Filipino na makakadiskubre ng bakuna kontra sa COVID-19.
Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, ito ay dahil numero unong kalaban hindi lamang ng Pilipinas kundi maging ng buong mundo ang nakakamatay na sakit.
P10 milyon aniya ang ibibigay ng pangulo sa Filipino na makakapag-develop ng bakuna panlaban sa nakakahawang sakit.
“Unang una, dahil public enemy number one nga po itong COVID-19 hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo, inanunsyo po ng Pangulo na siya ay magbibigay ng pabuya na hanggang P10 milyong piso sa kahit sinong Pilipino na makakadiskubre ng vaccine laban sa COVID-19,” pahayag ni Roque.
Dagdag pa nito, magbibigay din ang pangulo ng substantial grant sa UP at UP PGH para makapag-develop ng bakuha laban sa COVID-19.
“Pinapanunsyo din po ng ating Presidente na siya ay magbibigay ng substantial grant sa UP at sa UP PGH para po makadevelop nga ng bakuna para dito sa COVID-19,” ayon pa kay Roque.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.