Bilang ng specimen na naipadala para sa COVID-19 testing sa Valenzuela City, nasa 407 na

Mahigit 400 na ang specimen na naipadala para sa localized COVID-19 mass testing sa Valenzuela City.

Sa huling datos ng City Health Office at City Epidemiology and Surveillance Unit hanggang 10:00, Martes ng umaga (April 21), 407 na ang naipadalang specimen sa The Medical City at Detoxicare.

Naitala ang nasabing datos mula April 11 hanggang April 19.

Nitong April 19, nasa 118 ang naipadalang specimen para masuri.

Read more...