DepEd nai-release na ang P6K clothing allowance ng mga guro; 13th month pay ibibigay sa susunod na buwan

Nai-release na ng Department of Education (DepEd) ang P6,000 na halaga ng clothing allowance ng mga guro.

Sa Laging Handa press briefing sinabi ni DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla sinabi nitong maaga ring ibinigay ang March at April na sweldo ng mga guro.

Ang sweldo para sa buwan ng Mayo ay ipinoproseso na.

Sa May 15 naman handa na ring irelease ang 13th month pay ng mga guro.

Layunin nitong makatulong sa pinansyal na pangangailangan ng mga public school teacher ngayong kinakaharap ng bansa ang problema sa COVID-19.

Read more...