ECQ sa mga lugar na makapagtatala ng zero COVID case pagkatapos ng April 30 dapat nang alisin
Ipinatatanggal ni Transportation Committee Chairman at Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento ang umiiral na enhanced community quarantine sa mga lugar na makakapagtala ng zero COVID-19 cases pagkatapos ng Abril 30.
Ayon kay Sarmiento, sa 17 rehiyon sa Pilipinas ay inaasahan na batid na dapat ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang trajectory ng COVID-19 infection kung saan pababa na dapat ang mga kaso nito maliban na lamang sa NCR, Central Luzon at CALABARZON.
Matapos ang limang linggo na ECQ ay makakapagdesisyon na dapat ang IATF sa mga lugar na pwede nang i-lift ang lockdown at simulan ang pilot testing para sa pagbubukas muli ng ekonomiya.
Sa kabilang banda, kahit maideklarang “COVID-free zones o liberated zones” ang ilang mga lugar na wala nang kaso ng coronavirus kailangang maglatag ng mahigpit na polisiya upang matiyak na wala nang maitatalang kaso ng sakit.
Kabilang sa mga kondisyon ay sertipikasyon mula sa DOH at IATF na COVID-free na ang isang LGU; mahigpit na pagsunod pa rin sa DOH guidelines katulad ng physical distancing, temperature check; papayagan lamang na makapasok sa trabaho ang 50% worrkforce ng gobyerno, private offices at commercial establishments kapag nakasunod sa rapid test, trial at monitoring; at daily monitoring pa rin ng mga kaso.
Bukod dito, kung consistent naman na makakapagtala ng zero COVID-19 case sa lugar ay papayagan ang 10% na dagdag kada linggo sa workforce sa parehong government at private establishments.
Isasara din ang mga borders at tanging mga essential goods lamang din ang papayagan na makalabas at makapasok sa mga idedeklarang COVID-free zones.
Iminumungkahi naman ni Sarmiento ang full lockdown sa mga barangay o lugar na may mataas na kaso ng virus kahit matapos na ang ECQ sa katapusan ng Abril.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.