Parusang pagtatanim sa 35 violators ng ECQ sa Pampanga hindi paglabag sa karapatang pantao ayon sa Malakanyang
Walang nakikitang mali ang Malakanyang nang parusahan ng mga pulis at papagtanimin ng gulay ang mga lumabag sa enhanced community quarantine sa Pampanga.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kung tutuusin, wala namang nakapataw na parusa sa mga lalabag sa ECQ.
Pero ayon kay Roque, ang ginawa ng Pampanga PNP sa 35 first time offenders sa Pampanga ay hindi naman labag sa karapatang pangtao.
Dapat aniyang matuto ang iba sa best example.
“Well, bagama’t wala pong nakapataw na talagang parusa doon sa mga lalabag sa ECQ, natural kinakailangan ito ay sang-ayon sa Saligang Batas at kinakailangan ito ay proportional doon sa objectives ng ECQ na pabagalin nga ang pagkalat ng COVID-19. So sa akin po, napakadami pong iba’t ibang mga parusa, pero siguro po matuto tayo doon sa ilang mga best examples. Sa Pampanga po eh pinagtatanim ng gulay iyong mga nahuling nagba-violate ng ECQ. Siguro po, puwede tayong magkaroon ng ganiyang mga parusa na hindi naman po tayo lumalabag sa karapatang pantao,” ani Roque
Ayon kay Roque dapat na tiyakin lamang na hindi nalalabag ang karapatang pantao dahil umiiramdin ang karapatang mabuhay.
Iginiit pa ni Roque na habang nilalabag ng tao ang ECQ, nagiging banta rin sila sa karapatang mabuhay ng iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.