QC nakapagsagawa na ng 966 na swab test sa kanilang community-based testing

Umabot na sa 198 ang naisagawa ng swab test sa Quezon City kahapon, April 20.

Isinasagawa ang pagkuha ng swab samples sa Quezon City General Hospital, Maclang General Hospital, Quezon City Circle, SB Park Novaliches, UP Asian Institute of Tourism at sa QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit.

Sa ngayon umabot na sa 966 na swab tests ang naisagawa sa lungsod.

Ito ay mula nang umpisahann ang pagsasagawa ng community-based testing sa QC noong April 13.

 

 

 

 

 

Read more...