Columbio, Sultan Kudarat muling niyanig ng lindol
By Dona Dominguez-Cargullo April 21, 2020 - 11:08 AM
Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang lalawigan ng Sultan Kudarat.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 8 kilometers Southeast ng bayan ng Columbio, alas-10:04 umaga ng Martes (April 21).
May lalim na 4 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian at aftershocks.
Nauna ng niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang lalawigan kaninang alas-8:26 ng umaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.