Cagayan Valley Region COVID-19 free na

Wala nang aktibong kaso ng COVID-19 sa Cagayan Valley Region.

Ito ay makaraang gumaling na ang pinakahuling pasyente ng COVID-19 na mula sa lalawigan ng Isabela.

Kinumpirma ni Southern Isabela Medical Center Chief Dr. Ildefonso Costales na nag-negatibo na sa COVID-19 si PH4805 na isang health worker mula sa Minante Uno, Cauayan City.

Sa 27 naitalang COVID-19 cases sa buong Region 2, 26 na ang gumaling na at 1 ang pumanaw.

Sa lalawigan naman ng Cagayan nakarecover na rin ang 14 na mga pasyente na pawang mula sa mga bayan ng Gattaran, Piat, Tuao at sa Tuguegarao City.

Sa Isabela naman nakapagtala ng 8 COVID cases at lahat ay naka-recover na rin.

Sa Nueva Vizcaya naman, lima ang naitalang kaso sa mga bayan ng Bayombong, Solano at Alfonso Castañeda, ang 4 ay gumaling at 1 ang pumanaw.

 

 

 

 

 

Read more...