Mahigit 19,000 PUV drivers tumanggap na ng ayuda sa ilalim ng SAP

By Dona Dominguez-Cargullo April 21, 2020 - 10:03 AM

Umabot na sa 19,521 Public Utility Vehicle (PUV) drivers ang nakatanggap ng ayuda mula nang magsimula ang pamamahagi nitong Abril 7, 2020 hanggang Abril 20, 2020.

Ang pagbibigay-ayuda ay alinsunod sa Social Amelioration Program (SAP) ng gobyerno na pinangungunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), katuwang ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at Land Bank of the Philippines (LBP).

Sa pakikipag-ugnayan sa LBP, ibinibigay ang ayuda sa mga PUV drivers na hindi nakakabiyahe dahil sa ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine dulot ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Nagpapatuloy ang pamamahagi ng ayuda sa mga PUV drivers ngayong araw, 21 April 2020.

Mahigpit na paalala ng LTFRB sa mga PUV drivers, sundin ang Physical Distancing Guidelines habang kinukuha ang cash assistance.

 

 

 

 

 

TAGS: Department of Social Welfare and Development, dotr, ltfrb, PUV drivers, social amelioration program, Department of Social Welfare and Development, dotr, ltfrb, PUV drivers, social amelioration program

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.