Condo manager sa BGC pwedeng imbestigahan sa paglabag sa ECQ

By Dona Dominguez-Cargullo April 21, 2020 - 09:50 AM

Photo grab from PNP photo
Iimbestigahan ang administrador ng Pacific Plaza Towers (PPT) sa Bonifacio Global City sa Taguig dahil kabiguan nitong makipag-cooperate sa mga pulis na nagpapatupad ng enhanced community quarantine.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Deputy Chief for Operations, Lt. Gen. Guillermo Eleazar, dapat ding tignan ang pagkukulang ng property manager ng pasilidad na hindi nakipag-cooperate sa mga pulis.

Una nang sinabi ng pamahalaan na titignan kung nagkaroon ng pagkukulang sa panig mga pulis na pumasok sa condo building.

Pinasok ng mga pulis ang condo noong April 19 at nakuhanan na sinisigawan at inaatasan ang mga residente na bakantihin ang pool area ng condo.

Sinabi ni Eleazar na anumang social status ng publiko ay kailangang ipatupad ng mga pulis ang guidelines sa umiiral na ECQ.

TAGS: BGC, covid pandemic, COVID-19, department of health, eleazar, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, News in the Philippines, PNP, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, taguig condo, BGC, covid pandemic, COVID-19, department of health, eleazar, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, News in the Philippines, PNP, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, taguig condo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.