Kauna-unahan sa kasaysayan, presyo ng langis sa World Market nag-negatibo
Sa kauna-unahang pagkakataon ay bumagsak sa pinakamababang halaga ang presyo ng produktong petrolyo sa World Market.
Ito ay dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.
Bumagsak sa -$37.63 ang presyo ng kada barrel ng West Texas Intermediate para sa US crude.
Ito ay bunsod ng napakababang demand sa produktong petrolyo dahil maraming bansa ang nagpapatupad ng lockdown.
Ngayon lamang nangyari sa kasaysayan na nagnegatibo ang presyo ng langis sa world market.
Maliban sa paluging presyo, problema din ng oil producers ang pag-iimbakan ng kanilang produkto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.