Columbio, Sultan Kudarat niyanig ng magnitude 3.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang lalawigan ng Sultan Kudarat.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 8 kilometers Northeast ng bayan ng Columbio, alas-8:26 umaga ng Martes (April 21).

May lalim na 4 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Naitala naman ang instrumental intensity 2 sa Kidapawan City

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian at aftershocks.

 

 

 

 

 

 

Read more...