Gobyerno dapat maglabas ng bilang kung ilan ang talagang kailangang isailalim sa COVID-19 test – Senator Gordon

By Dona Dominguez-Cargullo April 21, 2020 - 08:13 AM

Dapat ilabas ng pamahalaan ang estimate na bilang nito kung ilan ang talagang dapat na isailalim sa COVID-19 test.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Senator Richard Gordon, dapat sinasabi ng gobyerno kung ilan ba talaga ang datos ng posibleng tamaan ng sakit sa bansa.

Kung ibabase sa dami ng kaso sa Amerika na 1 to 2 percent ng kanilang mga mamamayan ang nagkasakit, sinabi ni Gordon na maaring 1 milyon hanggang 2 milyon na katao sa Pilipinas ang kailangang i-test.

“Kung 1 percent o 2 percent of the population, 1 million o 2 million people ang ite-test mo,” ani Gordon.

Naniniwala din si Gordon na kahit umiiral ang ECQ ay kaya namang normal na makapag-operate ng ilang mga kumpanya.

Ang kailangan lang aniya ay hanapan ng hotel na pansamantalang matutuluyan ang mga empleyado para hindi na sila kailangang magbiyahe araw-araw pauwi ng bahay at papasok ng trabaho.

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, COVID-19 test, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Senator Richard Gordon, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, COVID-19 test, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Senator Richard Gordon, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.