ECQ hindi dapat bawiin hangga’t hindi bumibilis ang COVID testing at contact tracing – Rep. Salceda
Dapat panatilihin ang pag-iral ng enhanced community quarantine hangga’t hindi bumibilis ang proseso ng bansa sa COVID-19 testing at contact tracing.
Sinabi ni Albay Rep. Joey Salceda na napakadelikadong bawiin na ang quarantine kung maraming COVID positive na hindi pa nakikilala at hindi pa naa-isolate.
Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Salceda na kahit umaaray na ang ekonomiya mananatili ang problema kung hindi makokontrol ang paglaganap ng sakit.
Sa ngayon kasi aniya, ang movement ng tao lamang ang kinokontrol habang ang virus mismo ay hindi pa kontrolado.
Ani Salceda, habang umiiral pa ang ECQ dapat aniyang puspusan na isagawa ang COVID test.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.