60 pang OFW mula New Zealand nakauwi na sa bansa

Dumating sa bansa ang 60 pang Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Auckland, New Zealand.

Bago maghatinggabi dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang PAL flight sakay ang mga OFW.

Kabilang sila sa mga OFW na humiling na magpa-repatriate dahil sa problema sa COVID-19 sa buong mundo.

Ayon sa DFA, sa mga susunod na araw ay magpapatuloy pa ang pagpapauwi sa mga OFWs.

 

 

 

 

Read more...