Isinarang bahagi ng Marikina Public Market target mabuksan bukas, April 22

By Dona Dominguez-Cargullo April 21, 2020 - 06:44 AM

Target ng Marikina City local government na muling mabuksan sa publiko bukas (Apr. 22) ang isinarang bahagi ng Marikina Public Market.

Isinara simula kahapon (April 20) ang Wet Section, Grocery Section, Carinderia Section, Fruits and Vegetables Section at Coconut Section/”Niyugan” ng palengke matapos na isang 72 anyos na tindero na mayroong respiratory illness ang pumanaw.

Simula kahapon hanggang ngayong araw sinabi ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro na massive disinfection ang ginagawa sa palengke.

Iniutos na rin ng alkalde ang pagsasagawa ng contact tracing para matukoy ang mga taong nakasalamuha ng tindero.

Nananatili namang bukas para sa mga namimili ang Market Zone ng palengke.

Mayroon din mga Mobile Palengke na nag-iikot sa mga barangay sa Marikina ngayong araw.

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, Marikina LGU, marikina public market, massive disinfection, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, enhanced community quarantine, Health, Inquirer News, Marikina LGU, marikina public market, massive disinfection, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.