Ito ay makaraang magbigay ng libreng data access ang Globe para sa lahat ng Globe at TM subscribers na nais mag-acess sa bagong online learning platform ng DepEd na DepEd Commons.
Ang DepEd Commons ay mayroong online review materials at Open Educational Resources (OER) na maring magamit ng mga mag-aaral at guro habang nakasailalim sa enhanced community quarantine ang Luzon at iba pang lalawigan sa bansa.
Pinasalamatan naman ni DepEd Secretary Leonor Magtolis-Briones ang Globe sa pagbibigay ng free data access para sa DepEd Commons.
“In this time of crisis, it is important that we make it possible to overcome this challenge with solid partnerships with the private sector. We are thankful to Globe for supporting our initiative for the continuity of public education by providing us free data for DepEd Commons access amidst the COVID-19 situation,” said DepEd Secretary Leonor Magtolis-Briones.
Sinabi naman ni DepEd Undersecretary for Administration Alain Del B. Pascua na dahil sa pakikipagtulungan ng Globe sa kagawaran mas matitiyak ang paghahatid ng education resources sa mga estudyante at guro sa panahong ito.
Ayon sa Globe, sa pag-access ng Globe at TM subscribers sa https://commons.deped.gov.ph ay walang dapat alalahanin ang publiko sa kanilang data charges.
“Under this situation where teachers and students have to stay at home like many of us, it is important for learning to continue. Globe supports the education sector by providing access to this alternative learning platform free of charge,” ayon kay Yoly Crisanto, Globe Chief Sustainability Officer and SVP for Corporate Communications.