Rollback sa presyo ng produktong petrolyo epektibo na ngayong araw

By Angellic Jordan, Dona Dominguez-Cargullo April 21, 2020 - 05:43 AM

Epektibo na ang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ng mga kumpanya ng langis.

Sa abiso ng Total, PTT Philippines, Cleanfuel, Phoenix Petroleum, Seaoil, Shell, Petron, Flying V, Caltex at Petro Gazz, mababawasan ng P1.15 ang bawat litro ng kanilang diesel habang P0.55 naman sa gasolina.

Sinabi pa ng Seaoil, Shell, Petron, Flying V at Caltex na P0.60 ang ibababa ng bawat litro ng kanilang kerosene o gaas.

Unang nagpapatupad ng oil price rollback ang Caltex epektibo 12:01, Martes ng madaling-araw (April 21).

Habang 6:00 ng umaga naman ang rollback ng iba pang kumpanya.

Ang Cleanfuel naman ay alas 8:01 ng umaga epektibo ang bawas-presyo.

 

 

TAGS: BUsiness, Inquirer News, News in the Philippines, oil price, Radyo Inquirer, rollback, Tagalog breaking news, tagalog news website, BUsiness, Inquirer News, News in the Philippines, oil price, Radyo Inquirer, rollback, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.