Sabtang, Batanes niyanig ng magnitude 3.4 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang lalawigan ng Batanes.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 51 kilometers Southwest ng bayan ng Sabtang, alas-3:24 madaling araw ng Martes (April 21).

May lalim na 21 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

 

 

Read more...