Nadagdagan pa ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Laguna.
Sa datos ng Laguna Provincial Health Office hanggang 5:00, Lunes ng hapon (April 20), nasa 243 na ang COVID-19 positive cases sa lalawigan.
Pinakamarami pa ring naitala sa San Pedro na may 34 cases.
Narito naman ang naitalang kaso ng nakakahawang sakit sa iba pang bayan:
– Los Baños – 32
– Calamba – 27
– Sta. Rosa – 25
– Biñan – 24
– Sta. Cruz – 18
– San Pablo – 15
– Cabuyao – 8
– Calauan – 8
– Liliw – 6
– Lumban – 6
– Pila – 6
– Victoria – 6
– Bay – 5
– Pagsanjan – 5
– Majayjay – 4
– Nagcarlan – 4
– Alaminos – 3
– Kalayaan – 3
– Cavinti – 2
– Famy – 1
– Mabitac – 1
– Paete – 1
– Pakil – 1
122 naman sa lalawigan ang nananatiling naka-confine sa mga pagamutan at 61 ang nakasailalim sa home quarantine.
Batay pa sa datos, 41 na ang gumaling sa Laguna habang 19 ang pumanaw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.