Ayon sa Department of Transportation (DOTr), simula sa Martes, April 21, handa nang makapag-accommodate ang nasabing pasilidad ng mga pasyenteng apektado ng COVID-19.
Napabilis ang pagkumpleto sa treatment facility sa pangunguna ni DOTr Secretary Arthur Tugade kabilang ang Philippine Ports Authority (PPA).
Sinimulan ang retrofitting ng terminal noong April 13 at batay sa inisyal na plano, matatapos ang pagsasaayos nito sa loob ng 10 araw.
Ngunit dahil sa ’round-the-clock’ na pagtatrabaho, napaaga ang pagkumpleto nito.
Ang nasabing pasilidad ay may 211 cubicles kung saan mayroong hospital beds, portable toilets, cargo containers para sa pagligo, at open-air dining facilities.
Magtatalaga rin ng ilang nurses’ station sa lugar.
Magbibigay naman ang mga tauhan ng Department of Health (DOH) at health and safety personnel ng Philippine Coast Guard (PCG) ng medical treatment sa mga pasyente.
Ang PPA naman ang bahala sa karagdagang personal support kung kakailanganin.