Experiential museum sa loob na ng Camp Aguinaldo itatayo
Binago ng EDSA People Power Commission (EPPC) ang unang plano na isara ang bahagi ng White Plains Avenue kaugnay sa 30th anniversary ng EDSA People Power 1.
Sa kanilang inilabas na advisory, imbes na ganapin sa White Plains Ave., sa loob na lamang ng Camp Aguinaldo itatayo ang experiential museum na magsasa-larawan ng mga kaganapan sa EDSA tatlumpung taon na ang nakalilipas.
Ayon sa kanilang advisory, isasara na lamang ang Northbound lane ng EDSA sa February 25 mula 12midnight hanggang 1pm para sa mga gagawing programa.
Mananatili namang bukas sa daloy ng trapiko ang magkabilang bahagi ng Ortigas avenue sa kabuuan ng pagdiriwang ng EDSA 1 anniversary.
Nauna dito ay sinabi EPPC na dalawang linggo isasara ang isang bahagi ng White Plains Ave. para sa construction ng experiential museum kasama na ang 2-day event para sa People Power anniversary.
Pumalag sa nasabing panukala ang ilang mga motorista at mga residente sa White Plains Subdivision at Corinthian Gardens.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.