Dating Sen. Heherson Alvarez, pumanaw dahil sa COVID-19

Pumanaw na si dating Senador Heherson Alvarez sa edad na 80 dahil sa COVID-19.

Kinumpirma ng kaniyang anak na si Hexilon Alvarez, araw ng Lunes (April 20).

Napaulat na tinamaan din ng COVID-19 ang asawa nito na si Cecile.

Batay sa post ni Hexilon sa Facebook noong April 6, extubated na ito at nakakahinga na nang maayos.

Samantala, inihayag ni PDP-Laban Executive Director Ron Munsayaw ang kanilang pagluluksa sa pagpanaw ng kanilang ka-partido.

“Sen. Sonny, I will miss our impromptu meetings over coffee and lengthy phone calls where we will discuss our plans of strengthening the party and ingenious ideas to help,” ani Munsayac.

Matatandaang nagsilbi rin si Alvarez bilang kongresista.

Read more...