Binuksan na muli ang Ospital ng Sampaloc sa Lungsod ng Maynila.
Ayon sa Manila Public Information Office, sinimulan ang pagbubukas muli ng nasabing ospital, araw ng Lunes (April 20).
Bukas na ulit ang ospital bilang paanakan at para sa konsultasyon ng mga sanggol at bata.
Matatandaang isinara ang ospital noong April 4 para mabigyan ng panahon ang mga doktor, nurse at iba pang health workers na makabawi mula sa pagkakasakit at makapagsagawa ng dinsinfection.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.