Desisyon sa ECQ, ilalabas ni Pangulong Duterte sa linggong ito
Pagdedesisyunan na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa loob ng linggong ito kung palalawigin pa ang enhanced community quarantine sa Luzon o gagawin na lamang ito na modified o sa mga piling lugar na lamang na may mataas na kaso ng COVID-19.
Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, nakasentro ang isip ng pangulo sa dalawang nabanggit na opsyon.
Ayon kay Roque, ibabase ng pangulo ang kanyang desisyon matapos ang pakikipagpulong sa mga health experts at Inter-Agency Task Force.
“Dahil sampung araw nalang at matatapos na ang ECQ, kinakailangan mag-decide na ang Presidente ngayong linggong ito dahil anuman ang desisyon niya ay kinakailangan paghanda ang implementasyon,” ani Roque.
Binabalanse aniya ng pangulo ang karapatan ng mga Filipino na maprotektahan ang bawat isa sa COVID-19 at ang karapatang makapaghanap-buhay.
Aminado si Roque na dahil mahirap na usapin ang COVID-19, siyensya ang pagbabasehan ng pangulo sa kanyang mga desisyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.