Sina Angeles at Cruz ay diumanong nag-udyok sa iba pang mga opisyal ng homeowners association ng Villa Roma III na sumugod sa bahay ni Manuel Marinay sa nasabing subdivision.
Nagpunta ang grupo sa bahay ni Marinay bandang alas-8 ng gabi noong Abril 17.
Layunin nilang pilitin si Marinay na palayasin ang dalawang menor de edad sa ilalim ng kanyang pangangalaga – ang kanyang 17 taong gulang na pamangkin na si Diezelle Marinay at 15 taong gulang na apo na si Christian Dariano.
Sinabi nina Angeles at Cruz kay Marinay na ang dalawang bata ay dapat umalis sa subdivision dahil hindi sila nakalista bilang mga opisyal na miyembro ng kanyang sambahayan.
Si Marinay ay nagsisilbing tagapag-alaga ng dalawang kabataan na naninirahan na sa kanyang bahay bago pa man ipatupad ang Luzon lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.
Nabigla si Marinay sa mga pinagsasabi nina Angeles at Cruz dahil sa pagkakaalam n’ya ay wala silang awtoridad sa kanyang pribadong pag-aari.
Sa pagkakataong ito, nagulat siya na may maaari palang magdikta kung sino ang maaaring manirahan sa kanyang sariling tahanan.
Gayunpaman, sinubukan ni Marinay na mangatuwiran sa grupo nina Angeles at Cruz. Sinabi n’ya na hindi kailanman ipinapaalam sa kanya ng mga opisyales ng homeowners association ang tungkol sa sinasabi nilang kanyang paglabag sa mga alituntunin nila.
Dagdag pa n’ya na may karapatan s’yang gawin ang kanyang gusto sa sariling n’yang pamamahay dahil hindi naman n’ya iniistorbo o nilalagay sa pahamak ang ibang residente.
Ngunit tila walang pakialam ang grupo nina Angeles at Cruz sa mga sinasabi ni Marinay. Sa halip at iginiit ang mga ito na dapat mapaalis agad sa subdivision ang dalawang menor de edad.
Sa pagnanais na maiwasan ang isang marahas na engkwentro, pinayagan na lamang ni Marinay na lumabas na sa kanyang bahay ang kanyang pamangkin at apo. Sa puntong ito, naisip rin natakot na rin si Marinay dahil naisip n’ya na baka pinagdiskitahan s’ya ng grupo nina Angeles at Cruz dahil puro mga miyembo ng LGBTQ community ang nakatira sa kanyang bahay.
Bandang alas-10 ng gabi at dinala na ang dalawang menor de edad ng grupo para ihatid sa gate ng subdivision, kung saan naghihintay na dalhin sila ni Corazon Marinay (ina ni Diezelle). Sila ay nakaranas ng matinging trauma dahil sila ay pinahiya at itinaboy ng grupo nina Angeles at Cruz.
Si Marinay ay di pa rin halos makapaniwala na basta-basta na lang binalewala ang karapatan bilang isang homeowner. Siya umaapela kay Department of Local Government (DILG) Secretary Hon. Gen. Eduardo M. Año — sa pamamagitan ng punong tagapagpatupad ng Inter Agency Task Force (IATF) na si Hon. Gen. Carlito Galvez — para suriin ang kaso. Ang nangyaring pang-aalipusta sa kanya at sa kanyang pamangkin at apo at labag sa “Bayanihan, Weal As One” Act. Sa kanyang palagay ay sinamantala ang COVID-19 crisis nina Angeles at Cruz upang magawa nila ang pag-abuso sa kanila, lalo na sa dalawang menor de edad.
Sinabi ni Marinay na siya at ang kanyang pamilya ay desidido na magsasampa ng kaso laban kina Angeles at Cruz, pati na rin ang iba pang opisyal ng homeowners association na kinunsinte ang kanilang pang-aabuso.